Hindi hadlang ang Kahirapan upang makamit ang Tagumpay.
by: Claudine San Juan

Si Blas Fajardo Ople o mas kilala sa tawag na Ka Blas ay ipinanganak sa Bayan ng Hagonoy noong Pebrero 27, 1927. Siya ay laki sa hirap ngunit hindi ito naging balakid upang makamtam ang mga bagay na hanggang ngayon tuwing sasapit ang Pebrero 3 ay sinasariwa ng kanyang bansang sinilangan.

Ayon sa kanyang anak na si Felix Ople ang mga nasimulan ng kanyang ama ay patuloy pa din nilang isinasagawa buhat ng ito’y namatay. 

Isa na nga dito ang Ople Center na pinamumunuan ng kanyang nakakabatang apatid na si Susan Ople. Ang layunin nito ay sagipin ang mga OFW na inaabuso ng kanilang mga amo lalo na ang mga kababaihan. 

Meron din silang Advocacy sa Human trafficking at Child labor na kanilang tinututulan, Dagdag pa niya ang mobile transport sa Hagonoy na kanilang ipinakiusap pa Sa DFA upang ang mga tao duon ay hindi na kailangan lumuwas.

Umaasa si Felix na maituro o maikwento ng mga nakakatandang nakakakilala sa Ama nya ang magagandang kwentong maaring mapulutan ng aral ng mga kabataan.

Dahil sa panahon ngayon tila nakakalimut maging ang kabataan kung anu nga ba ang naiumbag ni Blas Ople sa lalawigan ng bulakan at maging sa ibang bansa.

“hindi hadlang ang kahirapan upang ang isang estudyante ay hindi magtagumpay” 

Ang natutuhang aral at leksyon nya sa kaniya ng kanyang ama ay ang maging simple at payak sa pamumuhay.

"manatiling walang bahid at maging maingat sa pondo ng bayan o bansa dahil dito nasusubok ang character o value ng isang tao."

Kanya nga itong hinalintulad kay Sec. Jesse Robredo na natiling payak at simple ang pamumuhay hanggang sa itoy namatay.

Sa lahat ng nagawa ng kanyang ama hindi lamang sa lalawigan kundi sa ibang bansa ang pinaka pinagmamalaki ni Felix ay ang pagiging mabuting ama nito sa kanila. 

Ginanap ang naturang programa sa GAT BLAS OPLE building kung san ito ay dinaluhan ni Gobernador Wilhelmino Alvarado, Bise Gobernador Daniel Fernando, mga Veterano, estudyante at iba pa. 

"Kung ang salitang himala ay magkakatawang-tao, ang magiging pangalan nito ay Blas F. Ople. Si Blas F. Ople ang wonder boy ng kanilang henerasyon," sabi ni Governor Wilhelmino Alverado sa kanyang speech.



Leave a Reply.

    Hello readers, Im Claudine San Juan . Welcome To my Blog. Be inform . Stay Update. 

    .

    Archives

    January 2014

    All


News You Should Know.